Humantong sa pananaksak ang away ng dalawang pamilya sa Negros Occidental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Napuruhan ang mga nasawing sina Van Flores at Allan Yurag.

Ayon sa mga pulis, nag-iinuman sa kani-kanilang bahay ang magkapitbahay na pamilya. Sa hindi pa malinaw na dahilan, pumunta si Flores sa bahay nina Yurag na nauwi sa mainit na pagtatalo at pananaksak.

May dalawa nang naaresto habang tinutukoy pa kung sino ang mga sangkot sa away. —KBK, GMA News