Hustisya ang panawagan ng pamilya ng estudyanteng namatay dahil sa hazing sa Bulan, Sorsogon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nitong Linggo namatay sa initiation rites si Joel Despa-Biladeras

Hiling ng pamilya ni Joel, lumabas na ang mga nagtatagong suspek na mga miyembro umano ng Tau Gamma Phi fraternity.

Hawak na ng mga pulis ang mga pangalan ng sangkot sa umano'y hazing. —KBK, GMA News