Sinilaban ng mga awtoridad ang aabot sa mahigit P2 milyong halaga ng marijuana mula sa isang taniman sa bayan ng Sablan sa lalawigan ng Benguet.

Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkules na isinagawa ang pagsunog ng mga tanim na marijuana ng pinagsanib na puwersa ng mga pulis at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pinagbubunot nila ang mga tanim na marijuana saka nila sabay-sabay na sinilaban upang hindi na ito mapakikinabangan, ayon sa ulat.

Hindi pa natukoy kung sino ang may-ari ng taniman ng marijuana.

Nauna nang iniulat noong Lunes na sinunog mga pulis sa bayan ng Sablan and aabot P800,00 halaga ng tanim ng marijuana.

Pahayag ni Police Brigadier General R'Win Pagkalinawan, acting regional director of the Cordillera Police Regional Office, nakuha ang mga tanim na marijuana sa isang communal forest ng Sitio Taleb, Barangay Banangan. —LBG, GMA News