Namatay matapos matabunan ng lupa ang isang lalaki sa Kabankalan, Negros Occidental, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Martes.

Ayon sa pulisya, nakatulog sa kalasingan si Jomar Torres sa dating quarrying site malapit sa kanilang bahay.

Posible raw na natabunan si Torres matapos dumausdos ang lupa.

Posible rin daw nabagsakan si Torres sa ulo ng tipak ng lupa na sanhi ng kanyang pagkamatay. —KBK, GMA News