Isang lalaki ang nasagi ng dumaraang Elf truck sa Malolos, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

 

May tinitignan ang lalaki sa nakaparadang tricycle nang madaplisan siya ng truck.

Muntik nang matumba ang biktima pero buti na lang ay nakakapit siya sa tricycle.

Huminto naman ang truck at sumilip ang pahinante.

Ayon naman sa biktima, imbes kumustahin ay tinawanan pa siya nito.

Panawagan ng biktima, magpakita ang driver at humingi ng pasensya. —KBK, GMA News