Isa pang pasyente na COVID-19 patient under investigation o PUI ang nasawi sa Quezon province nitong Sabado ng hapon.

Ito ang kinumpirma ng Integrated Provincial Health Office ng lalawigan ng Quezon. 

Nasawi raw ang pasyente dahil sa severe pneumonia.

Wala pa raw resulta ang ginawang pagsusuri sa lalaking pasyente upang matukoy kung positibo o negatibo ito sa COVID-19.

Dalawa na ang naitalang nasawi na PUI sa Quezon habang 31 naman ang PUI na naka-confine sa magkakahiwalay na pagamutan.

Ayon sa Department of Health nitong Sabado, may 307 na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Labing-siyam na COVID-19 na pasyente na ang namatay.

Labing-tatlo naman na mga pasyente na may COVID-19 ang gumaling na. —KG, GMA News