Ubod ng tuwa na sinalubong ng frontliner doctors at nurses ang isang lalaking gumaling sa COVID-19 na na-confine sa isang pagamutan sa Lucena City.

Sa Facebook post ng Quezon Public Information Office, ramdam ang tuwang impinamalas ng mga frontliner.

 

May mga pagbati rin na nakasulat sa karton tanda ng pagdiriwang at tagumpay sa paglabas ng survivor sa ospital. —LBG, GMA News