Isang tricycle ang ginawang bathtub ng isang pamilya sa Marcos, Ilocos Norte upang maibsan ang init nitong panahon ng tag-init.

Ayon sa isang ulat sa 24 Oras Weekend, nilagyan ng lona ang sidecar ng isang tricycle saka pinuno ng tubig.

Isang hose naman ang ginamit na kaabikat na “shower” ng bathtub.

Sa tricycle na lang muna nagtampisaw ang apat na mga bata habang bawal pang lumabas at pumunta sa ilog dahil sa banta ng COVID-19.  —Julia Mari Ornedo/LBG, GMA News