Patay sa pamamaril ang isang lalaki at ka-live-in niya sa San Carlos, Negros Occidental, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Suspek sa krimen ang kapatid ng isa sa mga biktima.

Base sa imbestigasyon, nag-away ang magkapatid na sina Joselito at Jose Isman dahil sa kita ng pinagbentahan nilang mangga.

Hindi na raw umabot sa ospital si Jose at ang kaniyang ka-live-in dahil sa dami ng tama ng bala.

Tinutugis na ng otoridad ang suspek. —KBK, GMA News