Isang 2-buwang gulang na sanggol ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa San Jose, Batangas.

Iniulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes na sinabi ng Municipal Health Office na naka-isolate na ang sanggol.

Isinagawa na rin daw ang contact tracing at isasailalim na sa swab test ang mga kaanak ng pasyente.

Idi-disinfect din ang lugar na tirahan ng sanggol.

Mayroong 16 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Jose kung saan lima sa kanila ang gumaling na.

Mayroon namang 409 na kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Batangas kung saan 33 ang namatay habang 220 ang gumaling. —Jamil Santos/LBG, GMA News