Walong preso ang nakatakas sa Calbayog City Jail sa Samar, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Sa walo, napatay ang isa na si Edwin Abria samantalang sugatan ang isa na si Juvy Openiano na ginagamot na sa ospital. Isa naman ang nahuli na si Edar Balantino.

Samantala, kinilala ang lima pang pinaghahanap na sina Nilo Ligason, Eron Tomboc, Edgar Elbano, Eden Albana at Raul Doroja.

Ayon sa otoridad ang mga kasama ng mga preso, sinakto raw ng mga preso ang kanilang pagtakas sa pagrasyon ng tubig sa kulungan. —KBK, GMA News