Isang bangkay na walang ulo ang natagpuan sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Ayon sa pulisya, nakita ang bangkay sa Calavera Cave sa Barangay Indahag na walang damit pang-itaas at nasa state of decomposition na.

Inaalam pa ng otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at posibleng motibo sa krimen. —KBK, GMA News