Ipinagbabawal na sa isang barangay sa Silang, Cavite ang pagbe-videoke sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes, dahil isturbo umano ito sa online classes ng mga estudyante.

Iniulat ng "Unang Hirit" nitong Miyerkules na nag-ugat ang ordinansa sa reklamo ng mga estudyante na naiingayan sa tuwing nag-o-online class sila.

Batay sa ordinansa, maaari lamang mag-videoke sa mga araw ng Sabado at Linggo, ayon sa barangay chairman.

Bukod sa videoke, ipinagbabawal din sa weekdays ang live band, roving sound system, at iba pang amplified audio devices. —LBG, GMA News