Dahil sa pupugak-pugak na internet connection, libu-libong pisong halaga ng parehong order na pagkain ang nai-deliver sa iisang address sa Cebu City.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes na umabot sa 30 food delivery riders ang nagsidatingan sa isang bahay sa Barangay Mabolo ng lungsod upang mag-deliver ng parehong order na chicken fillet and French fries.

Napag-alamang isang 7-anyos ang umorder ng fries at chicken fillet. Pero dahil sa pagloloko ng internet, maraming beses na pala ang bata nakapag-transact na hindi niya alam.

Dahil sa insidente, naawa ang mga kaibigan ng mga rider at binili na lamang ng ilang mga order.

Ayon sa ulat, aabot sa 40 na food riders ang na-book ng bata, pero 30 lamang ang dumating sa lugar dahil na-cancel na ang ibang order. —LBG, GMA News