KALIBO, Aklan — Kinaaliwan at trending sa ngayon ang larawan ng tatlong kabayo na kasama ang mga handler nila na nasa drive-thru ng isang fast food restaurant dito.

Ayon sa mga handler, unti-unti nang dumarami ang mga turistang bumisita sa kanila sa Barangay Tigayon kaya naisipan ng may-ari na i-treat ang masisipag niyang kabayo ng burger.

Sa mga nakalipas na mga linggo ay binuksan ang pangangabayo sa mga lokal na turista para pansamantalang ma-enjoy ang buhay sa gitna ng COVID-19 pandemic. —Jun N. Aguirre/KBK, GMA News