Nang dahil sa away sa lupa, isang senior citizen na na-stroke ang pinagtataga ng sarili niya mismong pamangkin sa Pinili, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon, sinugod ng suspek ang bahay ng biktima na noon ay nililinisan ng kaniyang anak.

Nakailag ang anak pero isinunod ng suspek ang 71-anyos na biktima.

Nagtamo ng sugat sa leeg at ulo ang matandang lalaki at agad siyang naisugod sa ospital.

Arestado ang suspek na aminadong nakainom nang gawin ang krimen. Hindi raw niya pinagsisisihan ang kaniyang ginawa. --KBK, GMA News