Arestado sa entrapment operation ang isa umanong cyber extortionist sa Southern Leyte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, nagbanta ang suspek sa kaniyang dating kasintahan na ikakalat niya ang maseselang larawan at video nito sa social media kung hindi ito makikipagtalik sa kaniya.

Humihingi rin daw ang suspek ng P21,000 mula sa dating nobya

Mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Anti-PhotO and Video Voyeurism Act, Robbery-Extortion at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek. --KBK, GMA News