Isang residente ng San Luis, Pampanga, ang nanalo ng baka matapos siyang magpabakuna kontra COVID-19, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Taga-Barangay Sta. Catalina ang nanalo, batay sa anunsiyo ng lokal na pamahalaan sa Facebook livestream.

Pakulo ng LGU ang raffle para hikayatin ang mga residente na magpabakuna laban sa COVID-19. —KBK, GMA News