Bistado ang paggamit ng isang drone camera sa pag-deliver ng shabu sa Davao City Jail.

Iniulat sa Unang Balita nitong Huwebes na isang kagawad ng Barangay Ma-a ang nakadiskubre sa drone na may kargang tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu malapit sa Davao City Jail noong October 18, 2021.

Ayon sa mga pulis, may bigat 25 gramo at tinatayang aabot P400,000 ang halaga ng umano'y shabu. 

Ginamit daw ang drone upang lihim na makapagpadala ng illegal na droga sa loob ng kulungan.

Iniimbestigahan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BMJP) ang natagpuang drone habang patuloy na inaalam kung sino ang nasa likod ng insidente. —Sherylin Untalan/LBG, GMA News