Isang lola mula sa Santa Elena, Camarines Norte ang nagdiwang ng kaniyang ika-100 kaarawan noong nakaraang linggo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Ipinanganak si Eugenia Maravilla noong October 10, 1921.

Bagamat 18 taon nang hindi nakakakita dahil sa kaniyang katarata, malinaw pa ang kaniyang pandinig at malakas pa ang kaniyang katawan.

Ayon kay Lola Eugenia, ang sikreto sa kaniyang mahabang buhay ay pagkain ng mga masusustansyang pagkain gaya ng gulay.

Bilang centenarian, makakatanggap siya ng P100,000 at certificate mula sa lokal na pamahalaan. 

Nagpasa rin ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Santa Elena bilang pagkilala kay Lola Eugenia. — Jiselle Anne Casucian/VBL, GMA News