Dalawa ang namatay, isa sa kanila ay sanggol, sa aksidente sa daan sa lalawigan ng Guimaras.

Sa video ng GMA Regional TV One Western Visayas, na inilabas sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nangyari ang aksidente sa bayan ng San Lorenzo.

Ayon sa pulisya, gumigewang na ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ni Michael Nono bago niya mabangga ang tricycle na sinasakyan ng sanggol na minamaneho ng ama nito.

Dagadag ng mga pulis, galing raw ang rider sa isang party kaya posibleng nakainom ito. Hindi rin umano nagsuot ng helmet ang rider nang sumalpok ang kanyang motosiklo sa tricycle.

Parehong nagtamo ng mga sugat sa ulo ang mga biktima na kanilang ikinamatay.

Nakaligtas naman umano ang iba pang pasahero ng tricycle, maging ang angkas ng motorsiklo. —LBG, GMA Integrated News