Patay na nang matagpuan sa kaniyang bahay ang 73-anyos na babaeng negosyante sa Bauan, Batangas.
Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Miyerkules, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, mag-isa lang sa bahay ang biktima nang mangyari ang krimen.
Lumilitaw na suspek sa pagkamatay ng biktima ang dati nitong katiwala sa kaniyang resort.
Kabilang sa tinitingnan motibo ng awtoridad ang tangkang pagnanakaw o personal na galit dahil tinanggal sa trabaho ang katiwala.
Nananawagan ang mga kaanak ng biktima sa suspek na sumuko.--FRJ, GMA Integrated News