Patay ang isang rider habang kritikal ang isa pa matapos magkasalpukan ang minamaneho nilang mga motorsiklo sa San Narciso, Quezon. Ang mga biktima, parehong walang suot na helmet.Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabing lumabas sa imbestigasyon na sumabog ang unahang gulong ng motorsiklo ng namatay na biktima.Dahil dito, nawalan siya ng kontrol bago bumangga sa kasalubong na rider.Nasira ang dalawang motorsiklo sa lakas ng salpukan.Sinabi ng mga awtoridad na walang helmet ang dalawang rider nang madisgrasya.Patuloy ang paggulong ng imbestigasyon sa insidente.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News