Nasagip ang isang bagong silang na sanggol na lalaki na inabandona sa isang kangkungan sa Macabebe, Pampanga.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing tulong-tulong ang mga residente na iligtas ang sanggol.

Sinabi ng ilang residente na ulo na lamang ng sanggol ang nakalitaw matapos nila itong matagpuan sa abot-tuhod na tubig sa kangkungan.

Isinugod nila ang sanggol sa ospital sa tulong ng mga opisyal ng barangay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam kung sino ang mga magulang ng sanggol.

Ligtas na ang bata, na nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News