Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang nasagip matapos na makitang nakalagay loob ng sako sa Toboso, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas nitong Martes, sinabing natagpuan ng residente sa lugar ang sanggol na nakakabit pa ang pusod malapit sa isang quarry site sa Barangay Poblacion.

Inaalam na ng mga opisyal ng barangay at kapulisan kung sino ang nag-iwan sa sanggol, at sino ang ina nito.

Dinala ang sanggol sa Municipal Health Office para magamot at kinalaunan ay ibinigay sa pangangalaga ng municipal social welfare department.

Bagaman may mga kagat ng insekto, stable na ang kalagayan ng sanggol.—FRJ GMA News