Si Richard Saing, isang deboto ni Padre Pio, ikinuwento ang pinaniniwalaang himala na nangyari sa kaniyang misis na na-stroke at biglang gumaling matapos niyang punasan ng panyo na may estampita ni Padre Pio.
At ngayong nasa bansa ang incorrupt heart relic ni Padre Pio, patuloy itong dinadagsa ng mga tao kahit saan man dalhin.
Sino nga ba si Padre Pio at bakit masidhi ang paniniwala ng mga maysakit—lalo na ang mga nawawalan na ng pag-asa, na kaya silang pagalingin ng paniniwalang mapaghimalang Santo na nagmula sa Pietrelcina?
Tunghayan ang pagtutok na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," at pakinggan ang kuwento ng ilang deboto.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News