Mabilis na ang bilangan ng mga boto nitong nagdaang eleksyon, kung saan higit sa 97% na ang nabibilang mula sa automated system. Ngunit sinabi ng National Citizens' Movement for Free Elections (NAMFREL) na dapat ibalik sa mano-mano ang bilangan.

Sa Stand For Truth, iginiit ni NAMFREL Secretary General Eric Jude Alvia na dapat ay nakikita ng mga watcher, citizens’ arm at mga representatives sa presinto ang pagbibilang ng mga boto.

Binanggit ni Alvia ang nangyaring “glitch” noong araw ng eleksyon kung saan hindi agad naipakita ang mga resulta ng transparency server.

Panoorin ang proposal ng NAMFREL na “hybrid voting.”

—LDF, GMA News