May kasamang matamis na ngiti ang isinalubong ni 83-anyos na si Nanay Sinta nang kamustahin siya ng staff ng GMA na bumisita sa kaniyang bahay. Masaya niyang ipinakita ang pagbabago sa kaniyang bahay na naayos na sa tulong ng mga  nagmamalasakit na tao.

Matatandaan na marami ang naantig sa kuwento ni Nanay Sinta, na  sa kabila ng kaniyang edad at patuloy na naglalako ng gulay para matustusan ang pangangailangan nila ng kaniyang anak na bulag.

READ: #KinayaNiMama: 83-anyos na si Nanay Sinta, todo-kayod para sa anak na bulag

Bukod sa naayos na ang kaniyang bahay, sinamahan din si Nanay Sinta sa bangko para makuha ang kaniyang ATM card kung saan idinadaan ang mga tulong pinansiyal na ipinagkakaloob sa mga taong may mabuting kalooban.

--FRJ, GMA News