Napakaliit at nangingitim daw nang iluwal si Baby Alwina ng kaniyang ina kaya inakalang hindi na siya mabubuhay. Ngayon, patuloy ang pakikipaglaban niya dahil na rin sa kaniyang mga karamdaman, at mga kondisyon sa katawan katulad ng kawalan ng butas sa kaniyang puwet kaya hindi siya makadumi nang maayos.

Dahil may mga kapansanan din ang kaniyang mga magulang at sa kakapusan ng pera, hindi nila matustusan ang pangangailangan ng anak tulad ng colostomy bag. Sa halip, ordinaryong plastic ang kanilang ginagamit para masalo ang kaniyang dumi na nakadadagdag sa problema sa kalusugan ng bata.

Tunghayan ang kuwento ng buhay ni Baby Alwina, at ng kaniyang mga magulang na walang ibang hangad kung hindi maging normal ang buhay ng kaisa-isa nilang anak. Panoorin ang video ng ito ng programang "Front Row."

Sa kabila ng kaniyang kondisyon, may pag-asa pa kayang matugunan ang kalagayan ni Baby Alwina at bakit nga ba nagkaroon ng mga ganitong uri ng karamdaman ang bata?

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News