Sa halip na magmukmok, ginamit na motibasyon ni Sarie para magbawas ng timbang ang malungkot niyang karanasan nang hindi siya makapag-abay sa kasal ng kaibigan. Ang dahilan, hindi kasi nagkasya sa kaniya ang ipasusuot na gown nang dahil sa kaniyang  katabaan.

Dahil sa naturang pangyayari, nagpasya si Sarie na mag-ehersisyo at magkaroon ng disiplina sa pagkain. Kaya naman mula sa dating timbang niya na 194 pounds , naibaba niya ito sa 127 pounds.

Tunghayan sa video na ito ng "Pinoy MD" kung papaano niya naisagawa ang matagumpay niyang fitness journey. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News