Bumalik ng Japan na malungkot ang Japanese national na si Koichi nang hindi niya makita ang Fil-Jap na anak na si Akira Takano, nang umuwi siya sa Pilipinas kamakailan. Ang huling pagkikita ng mag-ama,  dalawang dekada na ang nakalilipas.

Si Akira, labis ang lungkot nang malaman na bumalik pala sa Pilipinas ang kaniyang ama dahil matagal na siyang nangungulila sa kaniyang ama.

Pero bakit nga  ba sila nagkalayo ng kaniyang ama na dating pabalik-balik sa Pilipinas at sinusuportahan ang pangangailangan nilang mag-ina? Alamin ang kanilang kuwento at alamin kung may pag-asa pa kayang magkasamang muli ang mag-ama. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News