Marami ang natuwa nang makita ang malaking pagbabago sa ilang pangunahing lansangan sa Maynila nang paalisin ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga illegal vendor na umukopa sa mga kalsada.

Sa harap ng kampanyang ito ng bagong liderato ng lungsod, malaking katanungan naman kung ani ang mangyayari mga naapektuhang vendor, tulad ng mga tinatawag na "snipers," o 'yung mga tindera na mabilis maglatag at magligpit ng kanilang paninda kapag sinita ng mga awtoridad.

Paano na ang kanilang kabuhayan? Panoorin ang ginawang pagtutok ng "Brigada" sa isyung ito.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News