Nawalan man ng lakas ang mga binti ni Angelo na dahilan para hindi na siya makalakad, patuloy pa rin siya nagsisikap na makapag-aral. Ang nagsisilbi niyang mga paa para makarating sa paaralan, ang magkapatid na pinsan niya na sina Bernie at Bryan.

Tunghayan ang kahanga-hanga at nakaantig na kuwento ng pagmamalasakit nina Bernie at Bryan, na walang reklamong pinapasan ang kanilang pinsan na si Angelo, umulan man o umaral, basta makasama lamang nilang makarating nang matiwasay sa paaralan.

Alamin din kung ano ang sakit na dumapo kay Angelo na dahilan ng kaniyang kalagayan at kung may pag-asa pa kaya siyang makalakad muli. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News