Aminado si Quezon City Mayor Joy Belmonte na sadyang mahiyain siya. Pero kung hindi man daw madalas na nakikita siya sa telebisyon o social media, hindi ibig sabihin nito ay wala siyang ginagawa.

Sa programang "Bawal Ang Pasaway kay Mareng Winnie," inihayag ni Belmonte ang mga nagawa na niya sa kaniyang lungsod tulad sa kampanya sa paglilinis ng mga kalsada. Aniya, hindi lang niya basta inaalis sa bangketa ang mga nagtitinda kung hindi hinahanapan din ng malilipatan para makapagpatuloy sila sa kanilang hanapbuhay.

Alamin sa video na ito kung bakit hindi masyadong nababalitaan ng publiko ang kaniyang mga ginagawa sa lungsod, at ano ang mga plano pa niyang gawin sa Quezon City sa loob ng tatlong taon ng kaniyang termino. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News