Sa programang "Unang Hirit," tinalakay ang dahilan kung bakit nababawasan ang buhok kapag nagkaka-edad ang tao, at kung ano ang maaaring gawin para masolusyonan ito.

ADVERTISEMENT

Binanggit ni Windie Hayano, isang dermatologist, ang dalawa sa mga dahilan sa pagkabawas ng buhok —ang Alopecia areata, at ang male o female pattern baldness.

Ang Alopecia areata ay isang inflammatory process na auto-immune na nagagamot sa pamamagitan ng steroids o iba pang ini-inject. Bukod dito, kailangan ding matukoy ang pinag-ugatan ng kondisyon, ayon kay Hayano.

Ang male o female pattern baldness naman ay associated sa hormones na maaaring mamana o genetics. Maaari itong magamot sa pamamagitan ng Finasteride na isang anti-androgen, ngunit hindi ito puwede sa mga babae.

Maaari ding subukan ang mga advanced surgical options tulad ng hair implant.
Panoorin sa video ang buong pagtalakay sa usapin sa buhok.--FRJ, GMA News