Sa mga batang 80's, bahagi ng kanilang kabataan ang laruang "Game Boy," na sikat pa rin hanggang ngayon. Pero alam ba ninyo na nagsimula raw ang idea sa paggawa ng video game na ito sa paglalaro ng calculator?

Sa isang episode ng programang "AHA!," sinabing ang dating machine maintenance man ng Nintendo na si Gumpei Yokoi, ang itinuturing Father of Game Boy.

Nagsimula raw ang idea ni Yokoi sa paggawa ng video games nang may makita siyang negosyante sa tren na pinaglalaruan ang pindutan ng isang calculator. At noong 1980, inilunsad na ang game and watch series na nasundan ng potable game boy noong 1989 na mayroong larong Super Mario Land, at sumunod ang Tetris.

Hanggang ngayon, wala pa ring kupas ang game boy na puwede nang laruin ngayon kasama ang mga smart phone. Panoorin.

Click here for more AHA! videos:

--FRJ, GMA News