Masakit man sa kalooban ng mag-asawang Susan at Sergio, wala silang magawa kung hindi ang igapos sa kanilang tahanan ang kanilang siyam na taong gulang na bunsong anak na si Jake. Pero bago sila husgahan, alamin muna ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa sa bata.

Kuwento ng mag-asawa, hindi normal ang pag-iisip ng kanilang anak na si Jake. Kapag nakalalabas itong mag-isa, kung saan-saan daw pumupunta ang bata at may pagkakataon pang muntik nang mapahamak. Naninira din ng gamit sa bahay si Jake kaya minabuti na lang nilang igapos para na rin sa kaniyang proteksyon.

Nang ipasuri, lumitaw na posibleng may autism si Jake. May pag-asa pa kaya siyang gumaling o mapahinahon man lang ang kilos? Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News