Taong 2000 nang mabili ang sawang "Tintin" sa halagang P50, at may haba lang noon na isa't kalahating dangkal. Pero ngayon, isa na siyang dambuhala na ang kasing laki ng hita ng tao ang katawan.

Pero kung noon ay sanay siya sa hawak ng tao, nagbago na ito mula nang umalis ang dati niyang tagapag-alaga.  Ano na ngayon ang mangyayari kay Tintin lalo pa't inaatake na rin niya ang mga taong nagpapakain sa kaniya?

Tunghayan ang karaniwang nagiging problema sa pag-aalaga ng mga hayop na hindi na kayang ipagpatuloy ng mga may-ari kapag sumobra na ang laki. Panoorin.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News