Makinis at palaging selfie-ready daw ang binatang si Kentridge mula Semirara Island sa Antique. Pero nitong nakaraang Perbrero, bigla na lang namula ang kaniyang balat, nangaliskis, hanggang sa tuluyang nangitim. Ano kaya ang nangyari? Panoorin.

Dahil sa nangyari sa kaniyang balat, natigil na si Kentridge sa kaniyang trabaho at umuwi na sa kanilang lalawigan para doon sana magpagaling. Pero lalong lumala ang kondisyon ng kaniyang balat.

Hinihinala ni Kentridge, baka nakasama sa kaniya ang kinain niyang isda na "matambaka." Sa tulong ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinamahan si Kentridge para maipasuri sa dalubhasa at dito nila natuklasan ang dahilan ng pagbabago ng balat niya. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News