Sa isang video na naka-post sa social media, makikita ang isang lalaki na paulit-ulit na sinasaktan ng isang babae. Ayon sa lalaki na itinago sa pangalang "James," pera ang ugat ng pananakit sa kaniya ng kaniyang ka-live in.

Ang kuwento ni James ay sumasalamin sa panukalang batas na inihain sa Kamara de Representantes na nagnanais na parusahan ang mga asawa o kinakasama na nananakit ng mister at sapilitang kumukuha ng kita ng lalaki sa puntong wala nang matitira sa padre-de-familia.

Napapanahon na nga bang magkaroon ng batas para protektahan ang mga tinatawag na "battered husband?" Panoorin ang pagtalakay dito ng programang "Brigada."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News