May mga pag-iibigan na nagsimula sa jeepney, mayroon sa library o kaya naman sa party. Pero ang pagmamahalan nina Roque, na may congenital polio at bulag ang isang mata, at Joy na isang kahera, nagsimula sa elevator. At gaya ng elevator, mayroon ding ng ups and downs ang kanilang pag-iibigan.

Sa kabila ng kaniyang kapansanan na sinasabing dahil sa ipinaglihi siya sa alimango, nanatiling masayahin, palabiro at masipag ang elevator guy na si Roque. Dahil dito, nakuha niya ang loob at matamis na "oo" ni Joy, na kinalaunan ay naging misis at ina ng kaniyang anak.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang mala- against all odds at inspiring love story nina Roque at Joy, na ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan. Bukod doon, nakakuha pa sila ng suporta sa mga netizen para maisagawa ang kanilang dream weeding. Panoorin ang video.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News