Mula sa dating 24 na waistline, naging overweight sa timbang na 225 lbs si Hazel dahil sa puro buffet, Korean grill at milktea na lifestyle kasama ang boyfriend. Ngunit ang dalaga, nagdesisyong magpapayat nang alaskahin siya ng sariling kaanak na kasinglaki laki na siya ng aparador.

Sa programang "Pinoy MD," sinabing naging couple goals nina Hazel at Jeng ang palaging lumalabas para kumain, na kanilang ginawa sa loob ng 11 taon.

Overweight si Hazel sa taas niyang 5'4, na dapat ay hindi lalagpas sa 120 lbs. ang kaniyang timbang. Si Jeng naman ay pumalo sa 280 lbs., na dapat sa kaniyang height na 5'8, ay hindi lalagpas ng 170 lbs.

Hanggang sa nararamdaman na ni Hazel na madali na siyang hingalin kahit 10 hakbang lamang, ayaw niyang mapawisan at ayaw ding lumabas ng bahay.

Nagbago ang lahat ng ito nang biruin siya ng kaniyang kuya na, "Kasinglaki ka na ng aparador ah!" Bukod dito, pinagtulungan din siyang biruin ng kaniyang pamilya at pinuna ang damit na suot niya na mas lalong nagpataba sa kaniya.

Naiyak at nainis na lamang si Hazel kaya kinabukasan, sa workout niya ibinuhos ang galit.

Hindi na tumigil pa si Hazel sa pag-e-ehersisyo magmula noon at nagtuloy-tuloy sa nakalipas na siyam na buwan. Kaya naman mula 225 lbs., 133 lbs. na lang siya ngayon.

Si Jeng, sinimulan na rin ang pagda-diet kaya bumaba na ang kaniyang timbang sa 240 lbs.

Panoorin sa video kung paano ginagawa ni Hazel ang kaniyang Circuit Training, at kung paano niya hinahanda ang kaniyang low-carb diet.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News