Sa unang tingin, aakalain mong nilagyan ng prosthetic leg ang kaliwang binti ni Mang Singlito na mula sa Negros oriental. Pero kapag tinitigan nang matagal, makikitang buto na pala ang natira sa kaniyang binti at wala na ang laman.

Gustuhin man ng dating tricycle driver na si Mang Singlito na ipaputol na ang buto sa binti, hindi naman niya ito magawa dahil sa kawalan ng pera dahil sa kahirapan ng buhay.

Papaano nga ba nauwi sa ganito ang kalagayan ng kaniyang binti na nagsimula lang daw sa pamamanhid at kinalaunan ay binuhusan niya ng mainit na tubig. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

(Paalala, maselan ang video)



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News