Masaya man at maraming kapupulutan ng aral ang kanilang trabaho, pero hindi biro ang pinagdadaanan ng mga bumubuo ng programang "Born To Be Wild" para makagawa ng mga dokumentaryo tungkol sa kagandahan ng mga hayop at kalikasan.

Kabilang na rito ang pag-akyat ng bundok, pagsisid sa ilalim at pagtawid sa karagatan na ginagawa ng kanilang mga cameraman, researcher at segment producer.

Panoorin ang ilan sa mga "behind the scenes" ng programang "Born To Be Wild."

 

—Jamil Santos/LBG, GMA News