Dahil sa kondisyon ng kanilang mga balat, nakararanas minsan ng mga panlalait at panghuhusga ang mga taong may Neurofibromatosis, Psoriasis at Vitiligo. Mayroon pa nga kayang Pinoy na may mabubuting puso na pumansin sa kanila?

Ito ang sinubukan ng programang "Good News" sa kanilang social experiment kung saan nilagyan ng prosthetics ang isang kasabwat na babae ng tulad ng isang may neurofibromatosis at pinagtinda ng mga kakanin.

Ang isa namang asset na lalaki, nilagyan din ng prosthetics ng tulad sa isang may Psoriasis at pinag-apply ng trabaho sa karinderya.

Si Ira na mismong may vitiligo ang sunod na sumalang, na tila nahirapan sa paghanap ng kaniyang customer sa kaniyang mga sapin-sapin. May bumili kaya ng kaniyang mga paninda sa kabila ng kaniyang kondisyon? Panoorin.

—Jamil Santos/LDF, GMA News