Kahit may kapansanan sa katawan at mga binti na nakaapekto sa kaniyang paglalakad, patuloy na kumakayod si Ponciano "Apon" Garcia sa marangal na paraan sa pamamagitan ng paggawa ng parol at payong. Bukod doon, nagagawa pa niyang alagaan ang kaniyang mga magulang.

Tunghayan sa video na ito ng "Tunay Na Buhay" ang kahanga-hangang kuwento ng lalaking patuloy na lumalaban sa buhay kahit pa nakakatim ng mga pangungutsa dahil sa kaniyang kapansanan. Alamin din kung papaano niya ginagawa ang mga parol kung saan kumita siya ng P2 bawat piraso. Panoorin.

Kasama ang "Tunay Na Buhay," dinala si Apon sa ospital upang alamin kung anong kondisyon ang nangyari sa kaniyang pangangatawan. Ito ang unang pagkakataon na masusuri ng doktor si Apon.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News