Habang papalapit ang Pasko, dumadami na ang mga dinadaluhang party at mga kainan. At batay sa impormasyon mula sa Philippine Society of Hypertension, tumataas umano ang kaso ng atake sa puso at stroke mula Disyembre hanggang Enero.

Noong nakaraang taon, tumaas ang blood pressure na nauwi sa atake sa puso si Ricky dahil sa walang tigil na pagkain niya ng matataba sa pag-aakalang makokontrol naman ito ng iniinom niyang gamot. Pero nagkamali siya.

Tunghayan sa programang "Pinoy MD" ang mga kailangang gawin para ma-enjoy ang masasarap na pagkain tulad ng lenchon, crispy pata, at iba pa nang hindi kailangang ilagay sa peligro ang ating buhay. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News