Bukod sa kalinisan at kagandahan, itinuturing "happiest country in the world" at kinilala ring "the safest country to visit in 2020"—ang Denmark.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo,  Jessica Soho" ang ilan sa mga pasyalan na may malalim na kasaysayan tulad ng kanilang amusement park na kauna-unahan sa mundo,  ang iconic at makulay na mga bahay sa Nyhavn na may makulay ding nakaraan, at marami pang iba pa.

Dito rin matatagpuan ang pinagmulan ng Lego toys, na aksidenteng naimbento umano ng isang karpintero na nawalan ng trabaho at naisipang gumawa na lang ng mga laruang gawa sa kahoy.

Panoorin ang video at para ka na ring namasyal sa Denmark, na posibleng isama mo sa listahan ng mga bansa na gusto mong mapuntahan.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News