Nagsimula lang sa lagnat ang sakit ng anim na taong gulang na si Jhianne, pero hindi inakala ng kaniyang ina na si Nana na dinapuan pala ng mas malalalang karamdaman ang kaniyang anak— ang kinatatakutan at nakahahawang Meningococcemia.

Taong 2018 nang i-post ni Nana sa social media ang kanilang naging karanasan sa sakit at naging viral ito. Ngayon, ilalahad ng mag-ina sa programang "The Healthy Juan" ang matinding pagsubok na kanilang pinagdaanan, at kung papaano pinalakas ni Jhianne ang loob ng kaniyang ina na labis na nag-aalala.

Bukod sa lagnat, alamin ang mga sintomas ng Meningococcemia, at kung papaano nito inaatake ang katawan na tao tulad ng pangingitim ng labi.

Panoorin upang malaman din ang mga paraan upang maiwasan ang nakamamatay na sakit na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News