Ano ang iyong gagawin kung sa pagsakay mo ng jeep, may nakasabay kang lola na kulang o walang pamasahe?

Ito ang sinubukan ng programang "Good News" sa kanilang social experiment kung saan kinuntsaba nila ang isang lola na magpanggap na kulang ang kaniyang pambayad at hindi siya papayagan ng kasabwat ding driver.

Mayroon kayang mga mabuting loob na "pasa-hero" na tutulungan ang lola? Panoorin.

— Jamil Santos/RSJ, GMA News